Sa kabila ng mga kontrobersiyang kinakaharap ng land transportation office dahil sa kakulangan ng plastic cards sa kanilang mga tanggapan, tila nakahanap ang kanilang pamunuan ng kakampi sa katauhan ni Congressman Rodante Marcoleta dahil sa pagkwestyon ng mambabatas sa DOTr kung bakit bigla silang nagpalabas ng special order nagsasaad na kapag ang isang procurement ng LTO ay lalagpas sa 50 milyon pesos, ay kinakailangang ipasa na ito sa central office ng kanilang ahensya. Pakinggan ng mabuti ang mga ipinunto ng mambabatas at ang mga naging kasagutan ng DOTr tungkol dito, at kayo na ang humusga kung sino nga ba ang may kasalanan kung kayat nagkaubusan ng plastic cards na ginagamit sa mga drivers license ng mga motorista. Bagamat uminit ang ulo ni congressman marcoleta sa ginawang hakbang na ito ng DOTr, sa huli ay naging mahinahon naman sya at kinumbinsi ang ahensya na gawin ang tama dahil sa perwisyong idinudulot nito sa mga motorista. Kung kayo ang tatanungin, alin nga ba sa DOTr at LTO ang may pagkukulang kung bakit may problema ngayon sa supply ng mga plastic cards? Icomment nyo lang ang inyong mga saloobin sa ibaba. Kung hindi nyo pa napanood yung unang bahagi sa nasabing pagdinig kung saan ang LTO naman ang tinanong ni 1 rider partylist representative bonifacio bosita, pwedeng yun na ang sunod nyong panoorin. #lto #dotr #marcoleta #houseofrepresentative #congress